
Suntukan sa CSA-Makati iniimbestigahan, 10 estudyante iniimbestigahan
Disyembre 6, 2022 9:38pm GMT+08:00
SINULAT NI: GMA Integrated News
Naglunsad na ng imbestigasyon ang pamunuan ng Colegio San Agustin-Makati (CSA-Makati) ukol umano sa suntukan ng dalawang estudyante sa loob ng palikuran.
Sa ulat ni Oscar Oida sa “24 Oras”, sinabing kalat raw ngayon sa social media ang video ng dalawang estudyanteng nagsusuntukan.
Makikita rin sa video na tila nawalan ng malay ang isang estudyante pero tuloy pa rin ang pagsapak sa kanya.
Dito na umawat ang isa pang estudyante.
Sa isang post sa Twitter, sinabing sila umano’y mga Grade 9 students ng CSA-Makati.
Ay