Breaking news: OTS screening officer sa NAIA, sinibak matapos manguha umano ng gamit ng pasahero
Setyembre 24, 2023 10:47pm GMT+08:00
SINULAT NI: GMA Integrated News
Hulicam sa NAIA ang isang security screening officer na nagbukas ng bagahe at nanguha umano ng gamit ng pasahero.
Ayon sa eksklusibong ulat ni Vonne Aquino sa 24 Oras Weekend, nakunan ng CCTV sa NAIA Terminal 2 departure area noong September 13 ang security screening officer na binuksan ang bagahe ng isang pasahero.
Kumuha siya ng dalawang pakete mula sa bagahe at inilagay ang mga ito sa isang airport bin. Ibinaba niya ito sa sahig, tinakpan ng isa pang bin, at itinabi.
“Kumuha siya ng gamit sa isang pasahero na hindi naman sa k